2 dawit sa ‘hulidap’ sumuko
MANILA, Philippines - Dalawa sa anim na pulis na sangkot sa robbery extortion sa Muntinlupa City ang sumuko kamakalawa sa kani-kanilang mga opisyal makaraan ang ilang araw na pagtatago.
Kinilala ang mga suÂmukong pulis na sina PO1 Dennis Quinto ng NCRPO at PO2 Rigor Octaviano ng Pasay City Police.
Matatandaan na una nang naÂaresto sina PO2 Herminigildo Emasa GaÂjeto Jr., ng Southern PoÂlice District at PO1 Ryan Hallegado Manga ng PaÂrañaque police ng mga elemento ng Anti-Kidnapping Group sa isang opeÂrasyon. Patuloy namang pinaghahaÂnap pa sina PO2 Michel Marcos at PO2 Domingo Abarico, kapwa nakatalaga sa SPD.
Nakatakdang isailalim ang dalawa sa masusing imbestigasyon sa Camp Bagong Diwa sa Taguig kaugnay ng iliÂgal na pag-aresto kina Jennilind Rodriguez at kasambahay nitong si Kevin Bajar ng Muntinlupa City.
Si Quinto ay nasa kusÂtodiya ngayon ng NCRPO-Regional Police Holding Administrative Unit, habang si Octaviano ay nasa pangangalaga ng SPD headquarters sa Fort BoniÂfacio, Taguig.
Unang inilagay sa AWOL status ang anim na pulis makaraang hindi na sumipot sa duty buhat pa noong nakaraang Martes noong isang linggo. Inihahanda na rin ang summary dismissal proceeding sa mga ito upang pormal na maÂpatalsik sa hanay ng pulisya.
Napag-alaman na inaÂresto umano ng anim na pulis si Rodriquez sa Mun tinlupa dahil sa kasong may kinalaman sa droga at dinala ito sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. Doon hiningian ng P40 milyon kapalit ng kanyang kalayaan na lumaon ay naibaba sa P12,000 dahil sa walang pera ang biktima.
Nahaharap na rin ang mga pulis sa mga kasong robbery extortion, unlawful arrest, arbitrary deten tion at paglabag sa election gun ban.
- Latest