Driver hinoldap na, taxi tinangay pa
MANILA, Philippines - Doble kamalasan ang sinapit ng isang taxi driver dahil bukod sa nataÂngay na ang kinita sa buong magdamag na pamamasada, tinaÂngay pa ng dalawang armadong lalaki ang kanyang pinapasadang taxi matapos siyang holdapin sa lungsod Quezon kamakalawa.
Wala nang nagawa pa si Joven Caracena, 23, kung hindi ang magÂhain ng reklamo sa pulisya matapos ang nasabing pangyayari.
Ayon kay Caracena, dalawang arÂmadong suspect ang tumangay sa kanyang pinapasadang taxi na Toyota Vios na kulay puti at may tatak na “Balat and Fe†(UVA-646).
Nangyari ang insidente sa may Philand Drive, Brgy. Pasong Tamo, ganap na alas-11:40 ng gabi.
Bago ito, nagkunwari umanong paÂsahero ang mga suspect at sumakay sa biktima kung saan pagsapit sa nasaÂbing lugar ay biglang nagdeklara ng holdap gamit ang patalim at baril.
Kinuha ng isang suspect ang kinita ng biktima na halagang P2,000. Hindi pa nakuntento, puwersahang pinababa ng mga suspect ang biktima sa kanyang taxi, saka kinomando ng isa sa mga una ang manibela at pinaharurot ito papalayo sa nasabing lugar.
Sa kasalukuyan, ang kaso ay itiÂnurn-over na ng PS3 sa Anti-carnapping unit ng QCPD sa Camp Karingal para sa masusing imbestigasyon.
- Latest