^

Metro

MMDA survey: Bernabe umarangkada sa Parañaque

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nilamangan  ng malaki ni Councilor Florencio “Benjo” Bernabe III ang pinakamalapit na kalaban nito sa pagka-alkalde ng Parañaque City,  ayon sa survey na isinagawa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kamakailan.

Sa survey na isinagawa noong February 24,  nakakuha si Bernabe ng 68.3 porsiyento na boto mula sa mga respondents ng siyudad.  Ito ay higit na doble sa nakuhang boto sa kalaban nito na si Rep. Edwin Olivarez na umabot lamang sa 31.3 percent.

Sa mga nagsabing iboboto nila si Bernabe, 51 percent ay mula sa unang distrito at 49 percent mula sa ikalawang distrito ng siyudad.

Lumilitaw din sa survey na halos magkasindami ang pabor kay Bernabe na mga babae at lalaking botante. Kinopo rin ng konsehal ang mga botante mula sa iba’t ibang edad at klase ng pamumuhay. Ayon sa self-rated socio economic status, karamihan ng boboto kay Bernabe ay mga taong nasa linya, o ang mga middle class. Nakakuha rin si Bernabe ng boto mula sa mga nagsasabing sila ay mahirap.

Ayon pa sa survey, karamihan sa mga bumoto kay Bernabe ay may edad 30 hanggang 39 taong gulang, sunod ay ang 40-49 taong gulang at ang mga botanteng edad 18-29 taong gulang.

Ang naturang survey ay mayroong 300 respondents, margin of error ng +/- 6 percent at level of confidence na 95 percent. Si Bernabe ay tumatakbo sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA).  

 

vuukle comment

AYON

BENJO

BERNABE

COUNCILOR FLORENCIO

EDWIN OLIVAREZ

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

SI BERNABE

UNITED NATIONALIST ALLIANCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with