^

Metro

Fast food crew utas sa away trapiko

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Napaslang ang 22-an­yos na crew ng kilalang fast food chain matapos na barilin ng tatlong kalalakihan na nakaalitan sa kahabaan ng Taft Ave­nue, Ermita, Maynila kahapon ng madaling-araw.
Hindi na naisalba ng mga doktor sa Philippine Ge­neral Hospital ang buhay ni Elbert Budlat, crew ng Jollibee, tubong Davao City at nakatira sa #1261 Leon Guinto Street, Malate, Manila.

Nasakote naman ang isa sa mga suspek na si Jason Ignacio, 28, ng #1261 Sagay Street habang tugis naman ng pulisya ang dalawang suspek na sina Rolando Elizalde at Raymond Yap.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Rommel Del Rosario ng Homicide Section ng Manila Police District, Bago maganap ang pamama­ril, magdedeliber sana ng pagkain na order ng kanilang kostumer ang biktima sakay ng service motorcycle.

Gayon pa man, nakasalubong ng biktima ang motorsiklo ng tatlo na nag- counter flow kaya sumiklab ang awayan.

Upang makaiwas sa gulo,  bumalik na lang ang biktima sa pinapasukang sangay ng Jollibee sa Pedro Gil Street, Malate ngunit sinundan siya ng mga suspek sa loob mismo ng nasabing fast food chain.

Dito na nagkaroon ng kumprontasyon sa pagitan ng biktima at mga suspek kung saan tinangkang awatin ng store manager. Tinangka ring umawat ng guwardiya na si Efren Bales subalit  inagaw ni Ignacio ang service firearm na cal. 38 revolver nito saka itinutok sa biktima.
Sa puntong ito,  inagaw naman ni Yap kay Ignacio ang baril  saka ipinutok sa mukha ng biktima.

Kaagad na tumakas sina Elizalde at Yap lulan ng motorsiklong may plakang 1807-XZ habang naaresto naman si Ignacio.

vuukle comment

DAVAO CITY

EFREN BALES

ELBERT BUDLAT

HOMICIDE SECTION

IGNACIO

JASON IGNACIO

JOLLIBEE

LEON GUINTO STREET

MANILA POLICE DISTRICT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with