^

Metro

2nd floor ng nasunog na Gotesco, gumuho

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalong bumigat  ang daloy ng trapiko sa area ng Monumento, Caloocan City matapos gumuho ang ikalawang palapag ng nasunog na Gotesco Grand Central sa Caloocan City kama­kalawa ng hapon. Base sa report ng Caloocan City Police, dakong alas-5:10 ng hapon nang biglang gumuho ang ika­lawang palapag ng Gotesco Grand Central, na matatagpuan sa naturang lugar  kaya’t  napilitang isara ang Rizal Avenue Ext., sa harap ng nasabing mall upang linisin ang mga nagkalat na debris mula sa mall na naging dahilan upang lalong bumigat ang daloy ng trapiko sa  naturang  lungsod. Dakong alas-8:00 ng gabi nang muling buksan ang nasabing kalsada. Base sa rekord ng pulisya, nasunog ang nasabing mall noong Marso 16, 2012 at idineklara itong  condemned noong Agosto, 2012. Agad na ipinag-utos ang paggiba sa nasabing mall hanggang sa maganap ang pagguho. Kalalabas lamang umano ng mga manggagawa sa loob ng mall nang gumuho ito kung kaya walang naiulat na nasaktan.

 

AGOSTO

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

DAKONG

GOTESCO GRAND CENTRAL

KALALABAS

LALONG

RIZAL AVENUE EXT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with