^

Metro

Supporter ng kandidato sa Taguig, itinumba

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang kawani ng Taguig City Hall at political supporter ng isang mayoralty candidate dito matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspect kamakalawa sa nabanggit na siyudad.

Dead-on-arrival sa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Jeff Gebriello Minglana, 40, ng Block 52, Ricahuerta St., ng naturang lungsod sanhi ng tinamong apat na tama ng bala sa  katawan.      

Nabatid na ang biktima ay sinasabing political supporter ni Taguig City mayoralty­ candidate Bet Rica Tinga, kapatid ni Taguig City Congressman Freddie Tinga.

 Base sa report na natanggap ni Senior Supt. Arthur Felix Asis, hepe ng Taguig City Police, na­ganap ang insidente dakong alas-5:25 ng hapon sa tapat ng Heaven Door Christian­ Academy, na matatagpuan sa A. Boni­facio Road, Brgy. Upper Bicutan ng naturang siyudad habang naglalakad ang biktima  pauwi sa kanilang bahay  nang salubungin ito ng da­lawang suspect na armado ng baril at walang sabi-sabing pinaputukan ito.

Agad na duguang bumulagta ang biktima habang mabilis namang nagsitakas ang mga suspect.       

Nabatid na si Minglana ay kasalukuyang emple­yado ng Taguig City Hall at dating department head ng Business­ Permit and Licensing Office sa admi­nistrasyon ni  dating Taguig City Mayor Freddie Tinga.

Patuloy pa ring iniim­bestigahan ng pulisya ang insidente at ang motibo ng pamamaslang.

 

vuukle comment

ARTHUR FELIX ASIS

BET RICA TINGA

HEAVEN DOOR CHRISTIAN

JEFF GEBRIELLO MINGLANA

NABATID

PERMIT AND LICENSING OFFICE

SHY

TAGUIG CITY HALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with