Oportunidad sa kababaihan, kailangan sa paglago ng ekonomiya - Bam Aquino
MANILA, Philippines - Naniniwala si Team PNoy senatoriable Benigno Bam Aquino na ang pagbukas ng mas maraming oportunidad para sa mga kababaihan ang isa sa mga susi ng paglago ng ekonomiya.
Ayon kay Aquino, na pinarangalan na sa buong mundo para sa kanyang programang tumutulong sa mga nanay na magtayo at magpalago ng kanilang mga negosyo, “Kapag ang mga nanay at ang mga kababaihan sa isang komunidad ay nagkakaroon ng pagkakataong kumita at umasenso, umaangat ang kalidad ng buhay ng mga pamilya’t komunidad. Nakakapag-aral ang mga bata, nakakapag-impok ang pamilya, at minsan pa ay nakakapaglaan para sa negosyo.â€
Ayon sa World Bank, humigit-kumulang 90% ng kita ng mga kababaihan ay ipinupuhunan sa kani-kanilang mga pamilya at komunidad, katulad ng paglaan para sa pagkain, kalusugan, “home improvement,†at edukasyon ng kanilang mga pamilya.
Ayon pa sa dating World Bank President na si Robert Zoellick, may datos na nagpapakitang tumataas ng 20% ang survival rate ng isang bata kapag ang ina nito ang may hawak ng kita at budget sa bahay.
Dagdag ni Aquino, “Napatunayan po natin sa ating trabaho sa Hapinoy na umaangat ang antas ng buhay ng mga nanay kapag sila ay naturuang magnegosyo at humawak ng pera. Isa sa mga isusulong natin sa Senado ang pagpapalawak ng mga programang magbubukas ng mas marami pang oportunidad para sa mas marami pang Pilipino.â€
- Latest