^

Metro

Mga pulis tinangkang suhulan ng P10-M ni Princess Rasuman

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinangka umanong suhulan ng P10 milyon ng mga kapamilya ng inarestong si Princess Aliah Tomawis Rasuman ang hepe ng Pasay City Police-Special Operations Unit na dumakip sa kanya upang mapakawalan siya.

Ito ang ibinulgar ni P/Chief Insp. Ernesto Vera Eco, Jr., hepe ng SOU, kung saan tinanggihan niya ang alok na malaking halaga ng pera nang ihain niya at ng mga tauhan ang warrant of arrest na inilabas ng Cagayan De Oro City 10th Judicial Region.

Nananatili naman sa tanggapan ng SOU si Princess at hindi pa mailipat sa regular na piitan para maprotektahan rin umano ang seguridad nito makaraang dumagsa ang mga nagsasabing naloko ng multi-milyong “pyramiding scam” ng mga Rasuman.

Sinabi ni Pasay City Police chief, Sr. Supt. Rodolfo Llorca, umabot na umano sa 50 na biktima ng scam ang dumating sa Pasay Police headquarters at nais makaharap si Princess.  Hindi naman umano nila pinipilit ang suspek na si Princess kung ayaw nitong harapin ang sinuman na nais siyang kausapin.

Inaasahan na maibibiyahe na nila si Princess sa Cagayan De Oro City upang ipasa ang kustodiya sa korte sa susunod na linggo. Naabisuhan na umano nila ang sala ni Judge Vicente Rosales sa pamama­gitan ng sulat ukol sa pagkakadakip kay Princess at naghihintay pa ng opisyal na tugon buhat dito.

CAGAYAN DE ORO CITY

CHIEF INSP

ERNESTO VERA ECO

JUDGE VICENTE ROSALES

JUDICIAL REGION

PASAY CITY POLICE

PASAY CITY POLICE-SPECIAL OPERATIONS UNIT

PASAY POLICE

PRINCESS ALIAH TOMAWIS RASUMAN

RODOLFO LLORCA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with