Paslit na dinukot sa QC, naibalik na sa magulang
MANILA, Philippines - Natagpuan na ang isa’t kalahating taong gulang na batang lalaking iniulat na dinukot sa lungsod Quezon noong Martes.
Ayon kay Quezon City Police District Senior Supt. Richard Albano, ang batang si Lovelio “Buboy†Mendoza Jr. ay nakita na ng kanyang ina mula sa mag-asawang nagkusang-loob na ibigay ang bata sa tunay nitong mga magulang matapos na umano’y makita sa telebisyon ang ulat sa paghahanap dito.
Sinasabing ang bata ay naibalik na sa kanyang mga magulang kahapon ng umagaÂ, makaraan umanong makatanggap ng text message ang mga una kamaÂkalawa ng gabi na nagsaÂsabing hawak nila ang kanyang anak.
Dahil sa madalas nang nakakatanggap ng mga text messages ang mga magulang ng bata na pawang mga panloloko, nagduda ang mga ito at hindi muna pinansin ang naturang mensahe, ngunit nang tawagan sila ng nag-text ng tatlong beses ay kinagat na nila ito.
Sa inisyal na ulat, ang bata ay dinampot ng lalaÂking mistulang taong grasa at dinala sa Baclaran kung saan ibinigay ito sa isang mag-asawang Muslim.
Pero, sinasabing humihingi umano ang lalaki ng halagang P5,000 para pamasahe umano niya pauwi ng Pangasinan. Para maniwala ang mag-asawa ay nag-iwan pa ang lalaki ng litrato na may pangalan niya na Dennis Nabua at babalikan ang bata.
Subalit, sabi ni Albano, nagbigay umano ang mag-asawa ng halagang P1,200 hanggang sa magpasya ang lalaki na iwan ang bata sa mga una.
Ngunit naalarma umano ang mag-asawa maÂtapos mapag-alamang ang hawak nila ay ang nakita sa telebisyon na nawawalang bata.
Nakumpirma nilang si Buboy nga ang batang nawawala matapos makita ang larawan nito sa telebisyon at sa Facebook.
Agad na kinontak ng mag-asawa ang pamilya Mendoza hanggang sa magdesisyon silang magkita sa isang fastfood chain sa Frisco, sa lungsod para maisauli si Buboy.
Samantala, ayon kay Supt. Pedro Sanchez, hepe ng Police Station 2 ng QCPD, magsasagawa pa sila ng malalimang imbestigasyon kaugnay sa kaso at tuÂgisin ang nasabing suspek, para mapanagot sa kanyang ginawa.
- Latest