Mainit na panahon, magpapatuloy – PAGASA
MANILA, Philippines - Patuloy na makakaranas ang publiko ng maalinsaÂngang panahon.
Ayon kay Leny Ruiz, weather forecaster ng PagAÂsa, ang init ng paÂnahon sa ngayon ay maaari pang umabot ng 40 degrees Celsius mula 38 degrees at magpapatuloy pa ang maÂinit na panahon sa mga susunod na araw lalo na sa Tuguegarao City sa Cagayan Valley dulot ng hangin mula sa silangan ng karagatang pasipiko o easterlies.
Bukod anya sa Tuguegarao ay makararanas din ng pinaka-mainit na temÂperaÂtura ang Subic sa Zambales, Cabanatuan, at Cavite.
Kamakalawa lamang, naitala sa Tuguegarao City ang 36.5 degrees celsius na temperatura at nakaranas din ng 36.6 ang Subic na mas matindi kumpara sa Metro Manila na nakapagtala lamang ng 34.4°C.
Huling naitala ang pinaka-matinding init sa Tuguegarao City noong Mayo 11, 1969 nang mairehistro ang 42.2 degrees celsius.
Bunsod ng matinding init, pinapayuhan ng PagÂAsa ang publiko na ugaliing uminom ng tubig para makaiwas sa atake dulot ng matinding init at magdala ng pananggalang sa sikat ng araw tulad ng mga balabal, sombrero, payong kung lalabas ng bahay upang maprotektahan ang sarili sa matinding init ng panahon.
- Latest