Peace and order sa Marikina paiigtingin ng mga Bgy. officials
MANILA, Philippines - Bunsod na rin ng laganap na krimen sa iba’t ibang panig ng bansa, priyoridad ngayon ni dating Marikina Vice Mayor Dr. Marion Andres na palawakin ang mga magpapatupad ng peace and order sa lungsod.
Ayon kay Andres, nakikita niya ang kakulangan ng pagmementina ng pulisya sa peace and order kung kaya’t nais niyang maging bahagi nito ang mga barangay officials at kagawad.
Paliwanag ni Andres, ang mga barangay official ang siyang nakakakilala sa kanyang nasasakupan gayundin ang mga lugar na pugad ng away.
Sinabi ni Andres na dapat na mas masigasig ang mga barangay officials na tumulong sa mga pulis upang maiwasan ang anumang mga karumal-dumal na krimen.
Gayunman, sinabi ni Andres na kailangan ding may sapat na kagamitan ang mga barangay officials bilang pananggalang sa anumang mga uri ng krimen. Matatandaan, isa din ang usapin ng droga sa pinagtuunan ng pansin ni Andres kung kaya’t nabawasan noon ng 60 porsiyento ang mga itong gumagamit ng droga noong siya pa ang vice chairman ng Peace and Order Council ng lungsod ng Marikina.
Ang peace and order at pagsugpo sa iligal na droga ay ilan lamang sa mga programa tinututukan ni Andres.
- Latest