^

Metro

Taxi driver biktima ng holdap, karnap ng 2 pasahero

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang driver ang hinoldap na ay  kinarnap pa ang pinapasadang taxi nito ng dalawang kalalakihan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Kinilala ang biktima na si Abulhan Yusop, 30, ng Brgy. San Isidro, Rodriguez, Rizal.

Nabatid na habang pinapasada ni Yusop  ang kanyang Dragon Cab Taxi (UVB-365) sa Araneta Center, Cubao, Quezon City ay sumakay sa kanya ang dalawang suspect at nagpahatid sa  Monumento, Caloocan City dakong alas 11:50 ng gabi.

Pagsapit nila ng kahabaan ng De Jesus St., Caloocan City ay biglang tinutukan ang biktima ng baril at patalim at nagdeklara ng holdap ang dalawang pasahero.

Tinangay ng mga suspect ang halagang P7,200 na kinita sa buong araw na pamamasada ng biktima at hindi pa na­siyahan ay tinangay pa ang taxi nito.

Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga pulis sa naturang in­sidente.

vuukle comment

ABULHAN YUSOP

ARANETA CENTER

BRGY

CALOOCAN CITY

CUBAO

DE JESUS ST.

DRAGON CAB TAXI

QUEZON CITY

SAN ISIDRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with