Number 7 most wanted sa Parañaque, timbog
MANILA, Philippines - Nadakip na ng Parañaque City Police ang ika-7 sa kaÂnilang talaan ng most wanted makaraang makorner ito sa loob ng isang sementeryo sa naturang lungsod, kamaÂkalawa ng umaga.
Nakilala ang naarestong suspek na si Ludigario Adoptante, 29, obrero, ng Target 1 Delarama, Brgy. BF, ng naturang lungsod. Inaresto ito sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng Parañaque Regional Trial Court Branch 274 dahil sa kasong pagpatay.
Nabatid na nasakote ang suspek sa ginawang pagÂsalakay ng mga tauhan ng Special Operations Unit ng Parañaque Police dakong alas-10 ng umaga sa Parañaque Public Cemetery sa Tramo, Brgy. San Dionisio.
Ayon sa pulisya, si AdopÂtante, kasama ang dalawa pang suspek na nakilala sa mga pangalang Erwin Tabora at Fidel Tabora, Jr. ay nagtulung-tulong upang paslangin sa pamamagitan ng taga at saksak si PO2 Arnel Napuli noong Setyembre 3, 2011.
Nagpapahinga na umano sa kanyang bahay si Napuli nang hingan ng tulong ng mga barangay tanod dahil sa nagaganap na kaguluhan sa isang basketball court sa kanilang lugar.
Nang magÂresponde ang pulis, pinagtulungan siyang pagsasaksakin at tagain ng mga suspect na nagresulta sa kanyang kamatayan.
Kasalukuyang tinutugis pa ng pulisya ang dalawa pang nakakalayang suspek na nahaharap din sa warrant of arrest sa korte.
- Latest