^

Metro

2 pang killer ng negosyante natimbog ng QCPD

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines - Naaresto na ng tropa ng Quezon City Police District (QCPD) ang da­lawa sa pangunahing suspect sa pagpatay sa negosyanteng si Ma. Salud Gatmaitan, pero hindi sa nabanggit na kaso kundi sa kasong illegal possesion of firearms matapos na matiyempuhan ito habang papasakay ng isang taxi sa Tomas Morato Avenue, sa lungsod.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director Sr. Supt. Ri­chard Albano,  si Von Bernardo, alyas Jay, 35, at kasamahan nitong si Ariel Cristobal, 30, ay nada­kip, ganap na alas-9:30 Sabado ng umaga sa may kahabaan ng Tomas Morato Avenue, Brgy. South Triangle.

Base sa ulat ni SPO3 Rodolfo Rival ng QCPD Station 10 ng Anti-Illegal Drugs, nadakip ang da­lawa habang nagsasagawa ang routine patrol sa nasabing lugar.

Sinasabing kabababa lang sa tricycle ng mga suspect nang maispatan umano ng mga pulis­ habang papasakay ng isang taxi at dahil sa kahina-hinalang kilos ng mga ito ay agad silang pinigilan.

Nang  kapkapan ng tropa ang mga suspect  ay saka narekober sa kanila ang isang kalibre 38 baril na may apat na bala at isang granada.

Dito lumitaw ang pagkakasangkot ni Bernardo ang itinuturong responsable sa pagpatay kay Gatmaitan noong nakaraang Miyerkules ng alas 10:30 ng umaga sa may Barangay Salvacion.

Tanging si Bernardo at isang hindi nakikilalang salarin na kalaunan ay nabatid na si Cristobal ang pumasok sa bahay ni Gatmaitan kung saan ginamit ng una ang gun­ting sa paglaslas ng leeg ng negosyante upang hindi makalikha ng ingay. 

 

ARIEL CRISTOBAL

BARANGAY SALVACION

BERNARDO

GATMAITAN

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RODOLFO RIVAL

SALUD GATMAITAN

SOUTH TRIANGLE

TOMAS MORATO AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
ad