‘Tulak’ na brgy. tanod, timbog
MANILA, Philippines - Nadakip ng mga eleÂÂmento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang ‘tulak’ na barangay tanod sa isinagawang operasyon kamakailan.
Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo G. Cacdac, Jr. ang nahuling suspek na si Mario Inoc, ng Brgy. Poblacion, Cordova, Cebu. Ang nadakip ay kabilang sa drug watch personalities sa rehiyon.
Si Inoc ay naaresto sa Sitio Calan, Brgy. Poblacion, Cordova, Cebu maÂtapos bentahan ng shabu ang isang poseur-buyer ng PDEA.
Nakuhanan pa ng kaÂÂragdagang anim na sachet ng shabu ang suspek matapos itong rekiÂsahin ng mga awtoridad.
Dahil dito, ang suspek ay nahaharap ngaÂyon sa kasong paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs), at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II , Republic Act 9165.
Kaugnay nito binalaan ng PDEA ang mga barangay chairmen na mag-ingat sa pagkuha ng kanilang mga tanod upang hindi mapaÂsukan ng masasamang elemento ang pamunuan gamit ang posisyon sa barangay hinggil sa paggawa ng iligal.
- Latest