NCRPO handa na sa Semana Santa
MANILA, Philippines - Handang-handa na ang pamunuan ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) para ipatupad ang mahigpit na seguridad sa paggunita ng SeÂmana Santa na umpisa ngayong araw ito ng Linggo ng Palaspas.
Ayon kay NCRPO Chief Director LeoÂnardo Espina, nakaraang linggo pa niya pinulong ang limang district directors sa Metro Manila na maipatutupad ang mahigpit na seguridad sa kanilang mga nasasakupang lugar upang mapanatili ang katahiÂmikan ngayong Semana Santa.
Sinabi pa ni Espina, nagtalaga na rin ang pulisya ng mga police assistance desk at route marshals sa mga panguÂnahing terminal sa iba’t ibang lugar ng Metro Manila lalo na sa mga simbahan, malls, pantalan, paliparan at sa mga matataong lugar.
Idinagdag pa ng opisÂyal na magiging kaÂtuwang nila ang Metropolitan Manila Development AuthoÂrity, Highway Patrol Group at iba pang law enforcement agency na magpaÂpaÂtupad ng mahigpit na seÂguridad.
- Latest