^

Metro

COMELEC pikon na! Ma-epal na kandidato binawal sa graduation rites

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling nagbabala kahapon ang Commission on Elections (Comelec) sa mga pulitikong ‘sinasamantala’ ang  pagkakataong ma­ngampanya lalo na sa mga isinasagawang graduation ng mga mag-aaral.

Bagamat aminado  si Comelec Chairman Sixto Brillantes na wala silang magagawa laban sa mga umeepal na pulitiko ngayong panahon ng graduation, ipinaalala nito na sa Marso 30 pa ang  pag-arangkada ng local campaign period.

“Remind natin sa March 30 will be the start of local campaign no? ‘Yung mga epal ho yung mga local, yung mga nagsasamantala ngayon, napakaraming propagandang lumalabas, wala po kaming magagawa ru’n because of ‘yung tinatawag na no premature campaigning pero binibigyan ko uli sila ng warning, huwag naman silang magagalit pero paulit-ulit na ako. “Kayo ho sinasamantala niyo yung no premature campaigning, pagdating ng March 30 kami naman ho makakabawi ng kaunti, paghihigpitan namin kayo nang todo,” banta ni Brillantes.

Sa kabila na mas masalimuot aniya ang monitoring sa lokal na pangangampanya, sinabi ni Brillantes na gagawin nito ang lahat para matiyak na mahihirapan ang mga ma-epal kung hindi susunod sa batas.

Simula Marso 30, hindi na aniya pwedeng lumabas ang pangalan at mukha ng mga lokal na kandidato sa giveaways at mga gamit dahil “that is a form of a proganda material and that is a form of campaigning.”

Bawal pa rin aniya sa ngayon maglagay ng propaganda materials sa eskwelahan partikular sa mga pampubliko.

BAGAMAT

BAWAL

BRILLANTES

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN SIXTO BRILLANTES

MARSO

SIMULA MARSO

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with