Kelot tinodas sa internet shop
MANILA, Philippines - Patay ang isang 22-anyos na lalaki nang tarakan sa dibdib ng lalaking nakatalukbong ng t-shirt ang mukha habang ang una ay nagÂlalaro sa loob ng internet shop sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling- araw.
Patay na nang isuÂÂgod sa Ospital ng Tondo ang biktimang si Kim Charles Flores, ng Torres BuÂgallon St., Tondo.
Inilarawan naman ang suspect sa edad na 18-22, may taas na 5’3’’ hanggang 5’6’’ at armado ng patalim.
Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:35 ng maÂdaling-araw nang maganap ang insidente sa loob ng PESO Net Computer shop sa Int., 33 J. Planas St., Tondo.
Nabatid na habang naglalaro ng computer games ang biktima at live-in partner na si Gelyn Edem nang biglang pumasok ang suspect na nakasuklob sa mukha ang suot nitong t-shirt at dali-daling lumapit sa biktima at inundayan ng saksak sa dibdib bago mabilis na tumakas.
Isinugod ni Edem ang biktima sa ospital subalit idineklarang dead-on- arrival.
- Latest