^

Metro

6-12 taon pagkakulong hatol sa 2 Magdalo

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Anim hanggang 12 taong pagkakulong ang inihatol ng isang huwes ng Makati Regional Trial Court sa dalawang sundalong miyembro ng Magdalo Group kaugnay ng partisipasyon sa naganap na kudeta noong Hulyo 27, 2003 sa Oakwood, Makati City.

Sa desisyong ini­la­bas ni Judge Andres­ Bar­tolome Soriano, ng Makati RTC Branch 148, hinatulan nito na guilty sa kasong kudeta sina 1st Lt. Rex Bolo at 1st Lt. Lawrence San Juan.

Bagama’t sinabi ng korte na hindi mga pinuno sa naganap na kudeta ang dalawang sundalo, malaki naman ang partisipasyon ng mga ito.

Ibinasura ng korte ang depensa ng da­lawa na hindi kudeta ang kanilang ginawa dahil sa pribadong gusali ang kanilang kinubkob at hindi sa gob­yerno.  Sinabi ng korte na bagama’t totoo ito, ang nilalabanan naman ng mga sundalo nang isagawa ang kudeta ay ang gobyerno.

Matatandaan na tinanggap na ng 29 junior­ officers na ka­sama sa Oakwood mu­tiny ang alok na amnestiya ng pamahalaan habang hindi ito tinanggap nina Bolo at San Juan na nais bumalik sa serbisyo sa pamahalaan.

Nakatakda namang iapela ng dalawang sundalo ang ibinabang desisyon sa Court of Appeals sa susunod na linggo.

Hindi umano tinanggap ng dalawang nahatulang sundalo ang amnestiya sa pagnanais na maibalik sa serbisyo.

Kabilang sa mga li­der ng nabigong kudeta sina dating Navy officer Antonito Trillanes IV na ngayon ay naging Senador pa, Army Capt. Gerardo Gambala, Army Capt. Milo Maestro­campo, Navy Ltsg. James Layug at Marine Capt. Gary Alejano.

ANTONITO TRILLANES

ARMY CAPT

COURT OF APPEALS

GARY ALEJANO

GERARDO GAMBALA

JAMES LAYUG

JUDGE ANDRES

LAWRENCE SAN JUAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with