^

Metro

1 suspect na sangkot sa pagpaslang, panloloob sa isang ginang, timbog

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa dalawang batang lalaki, agad na naresolba sa loob ng isang oras ng mga ope­ratiba ng Quezon City Police District ang kaso ng pagpatay sa negos­yanteng si Ma. Salud P. Gatmaitan na ginilitan ng leeg at pinagnakawan pa matapos na maaresto ang isa sa mga itinuturing na suspect sa lungsod Quezon.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director Senior Supt. Ri­chard Albano, ang dalawang bata ang naging malaking instrumento para matukoy kung sino ang mga suspect sa pagpatay kay Gatmaitan, kung saan isa sa mga ito ay ang naarestong si Cenen Urbano, 72, ng Ilocos­ Sur St., Bago Bantay sa lungsod.

Ayon kay Albano, positibong itinuro ng da­lawang paslit si Urbano na siyang nag-iwan sa narekober na sasakyang Mitsubishi Adventure na ginamit ng mga suspect sa kanilang pagtakas.

Nang paslangin si Gatmaitan sa loob ng kanyang bahay sa may Ipo St., Brgy. Salvacion noong Miyerkules ng alas-10:30 ng umaga, naplakahan ng isang residente ang get-away vehicle ng mga suspect na siyang ugat para matukoy agad ng mga awtoridad ang may-ari nito.

Bukod kay Gatmaitan, sugatan din ang nanay nitong si Noemi Pineda, 84, na naka-confine nga­yon sa Chinese General Hospital­.

Sinabi ng dalawang bata, kilalang kilala nila ang mukha ni Urbano dahil ito mismo ang naki­usap sa kanilang dalawa na bantayan ang sasakyang Mitsubishi Adventure matapos iparada malapit sa Sto Do­mingo church sa Quezon Avenue­.

“Ang sabi po niya sa amin, bantayan lang daw po namin yung sasakyan, tapos bibigyan daw po niya kami ng pera, pero sinabihan pa nga kami na bantayan nyo yan, kundi papatayin ko kayo,” sabi ng mga bata.

Kasunod nito ay agad na umalis ang matanda at sumakay sa pampa­saherong jeepney matapos makita ang sasakyan ng pulis.

Nang marekober ang sasakyan, agad na hu­mingi ng ayuda ang bi­nuong tropa ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD sa pamumuno ni Chief Insp. Elmer Monsalve,  sa Land Transportation Office (LTO) kung saan natukoy na ang naka­rehistrong may-ari nito ay si Urbano.

Dahil dito, agad na nagsagawa ng follow-up operation ang tropa at naaresto si Urbano sa kanyang bahay ganap na alas-12:30 ng hapon.

Nang buksan ang na­­rekober na Mitsubishi Adven­ture ay nakuha mula dito ang ilang piraso ng gamit na may bakas ng dugo ng isa pang suspect na nakilalang si Von Bernardo, alyas Jay, 36, na  personal namang kinilala ng sugatang biktima ang larawan nito na siyang pangunahing suspect sa naturang krimen.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa isina­ga­wang krimen.

 

ALBANO

AYON

GATMAITAN

MITSUBISHI ADVENTURE

NANG

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

SHY

URBANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with