^

Metro

Suspect sa mini-grocery rob, tukoy na ng pulisya

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tukoy na ng Quezon City Police District ang dalawang suspect sa pagnanakaw sa isang mini-grocery at pagpatay sa security guard nito kamakailan sa lungsod Quezon.

Ayon kay Inspector Elmer Monsalve, hepe ng homicide investigation section ng Quezon City Police District (QCPD), may pangalan na sila ng mga hinihinalang magnanakaw na sangkot sa panghoholdap noong March 6, pero hindi muna anya nila ito ilalabas dahil sa patuloy na operasyon.

Sabi ni Monsalve, natukoy nila ang mga suspect base sa mga testigo na kumilala sa mga ito sa pamamagitan ng rogue gallery.

Tinukoy ni Monsalve na ang nasabing establisimento ay mayroong closed circuit television (CCTV) camera footage ng  robbery, pero nakita lamang ay ang ulo ng suspect.

Sa kabila nito, kinumpirma naman ng isang impormante na ang mga nasa CCTV footage ay kahalintulad ng mga suspect na nasa rogue gallery.

 Ganap na alas 3:55 ng hapon noong  March 6, magkasamang naglalakad ang security guard na sina Romeo Roxas, 53, at Grace Marcial na magdedeliber sana ng isang cash box na may lamang P41,300 kita ng Grocer Minimart sa main office nito sa Ramirez St., Brgy. Nova Proper nang biglang sumulpot ang mga suspect sa gate at pagbabarilin ang una.

Kasunod nito ay mabilis na hinablot ng mga suspect ang cash box kay Marcial, pero bago tuluyang tumakas ay kinuha pa ang service firearm ng duguang sekyu.

AYON

GRACE MARCIAL

GROCER MINIMART

INSPECTOR ELMER MONSALVE

MONSALVE

NOVA PROPER

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

RAMIREZ ST.

ROMEO ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with