^

Metro

Wake-up call umano sa gobyerno simpatiya kay Kristel bumuhos

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng suspensiyon ng klase sa University of the Philippines-Manila na itinakda ng pamunuan bilang ‘day of mourning ‘ kahapon para sa nagpatiwakal nilang freshman student na si Kristel Tejada,  napuno pa rin ng mga estudyante ang labas ng paaralan makaraang magsagawa ng pagtitipun-tipon para kondenahin ang ipinatutupad na ‘access’ sa edukasyon ng mga mahihirap na estudyante.

Nanawagan sila sa kanilang mga kapwa  estudyante na tapusin ang kanilang pag-aaral bilang pagpapakita ng pagpupugay kay Kristel.

Hinimok din nila ang mga mag-aaral na ipaglaban ang ‘more democratic, accessible and quality education’  para sa lahat.

Sinabi ni Jason Alacapa, outgoing chairperson ng UP-Manila student council na nagulat sila at lubos na ikinalungkot ang pagkamatay ni Kristel.

Ang pagkamatay aniya ng isang  estudyante ay para na ring kawalan sa nakararami. Ito’y dahil ang pagkawala ni Kristel ay paglaho na rin ng kanyang mga pangarap para itaguyod ang kanyang naghihikahos na pamilya.

Ipinunto naman ni Heart Dino, chairperson ng UP-Diliman Student Council na ang edukasyon ay basic right na protektado ng international laws.

Dahil dito, obligasyon aniya ng estado na tiyakin na lahat ng mamamayan ay may access sa dekalidad na edukasyon

Kasabay nito, muling nagpaabot ng pakikiramay ang pamunuan ng UP-Manila sa pamilya Tejada sa ginanap na pag-aalay ng misa sa loob ng campus

Kaugnay nito, pinatawad na rin ni  Ginang Blessy Tejada, nanay ni Kristel Tejada, ang pamunuan ng nasabing paaralan at tinanggap nito ang tseke na abuloy.

Sinabi ni Ginang  Tejada, na bagaman hindi  humingi ng ‘sorry’ ang pamunuan ng UP sa sinapit ng kanyang anak, mas mabuting  patawarin na lamang niya ang mga  opisyal ng paaralan  na nanggipit  sa pag-aaral nito.

Para kay Mrs. Tejada, ang pagdalaw noong Sabado sa burol ni Kristel  ng ilang opisyal ng UP, na kinabibilangan ni UP-Manila Vice Chancellor Josephine de Luna  ay marahil paghingi na rin ng paumanhin sa sinapit ng kanyang panganay na anak.

Bagaman, tumanggi ang ama ni Kristel na si Kristopher na tanggapin ang tseke, sinabi ni Ginang Blessy  na alang-alang sa matiwasay na paglalakbay sa kabilang buhay ng kanyang anak ay siya na lamang ang tumanggap ng abuloy.

Bunsod nito, sinabi rin ng grupong EcoWaste Coalition na magsilbing wake up call sa lahat ang pagkamatay ni Kristel at  dapat nang ipatupad ang joint advisory ng Department of Health (DOH) at Department of Environment and Natural Resources (DENR), na mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta ng silver jewelry cleaning solutions na nagtataglay ng cyanide at iba pang nakalalasong kemikal.

 

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

DEPARTMENT OF HEALTH

DILIMAN STUDENT COUNCIL

GINANG BLESSY

GINANG BLESSY TEJADA

HEART DINO

KRISTEL

KRISTEL TEJADA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with