^

Metro

419 kilo ng botcha nasabat

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil sa patuloy na  kam­ panya laban sa mga double dead na karne, umaabot naman sa 419 botcha ang nasabat sa lungsod ng Ca­loocan.

Sa ulat ng Caloocan City Veterinary Office, nasabat ang 419 kilos ng botcha sa palengke sa 3rd Avenue, Grace Park, ng naturang lungsod.

Nabatid na nagsasa­gawa ng regular inspection ang mga tauhan ng City Veterinary Office sa palengke sa 3rd Avenue nang masabat ang mga botcha na hindi pa natitilad.

Wala namang naaresto ang mga otoridad dahil sa basta na lamang umanong iniwan ang mga botcha nang malaman na parating ang mga tauhan ng Vete­rinary Office.

Patuloy naman ang isi­nasagawang regular ins­pection sa lahat ng pami­li­han ng lungsod upang hindi malusutan ng mga double dead na karne.

Kasabay nito, binalaan naman ni Caloocan City Mayor Recom Echiverri ang mga negosyante na tigilan na lamang ang pagtitinda ng karneng botcha dahil malaking abala ang sasapitin ng mga ito sakaling mahuli ng mga awtoridad bukod pa sa masamang epekto nito sa katawan ng taong makakakain.

Hiniling din ng alkalde­ sa mga residente na ma­kipagtulungan sa lokal na pamahalaan upang ma­huli ang mga negosyanteng nag­titinda ng karneng bot­ cha sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan ng mga ito sa pulisya.

 

CALOOCAN CITY MAYOR RECOM ECHIVERRI

CALOOCAN CITY VETERINARY OFFICE

CITY VETERINARY OFFICE

DAHIL

GRACE PARK

HINILING

KASABAY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->