^

Metro

Burol ni Kristel dinagsa, Lim nagbigay ng financial assistance

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naglaan ng tulong pinansiyal si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa pamilya ng  University  of the Phi­lippines (UP) student  na si Kristel Tejada na nagpakamatay matapos na mabigo na makapagbayad ng  matrikula.

Kasabay nito, dinagsa ng mga kaibigan, kamag-anak at kaklase ang  burol ni Kristel simula pa kagabi.

Alas-11 ng umaga nang personal na bisitahin ni Lim sa punerarya ang labi ni Kristel kung saan binigyanito ng P10,000 financial assistance ang pamilya nito bukod pa sa pagsagot sa gastusin sa funeral ser­vices na umaabot sa P40,000. Inatasan din nito  si Eduardo Noriega, chief of the Manila North Ceme­tery, na maglaan ng  lote na paglilibingan ni Kristel.     

Nabatid na bibigyan din ng  trabaho ni Lim ang  ama ni Kristel na  isang taxi driver sa sandaling maili­ bing ito.

Ayon kay Lim, nakalulungkot isipin na hindi na maisasakatuparan ni Kristel  ang kanyang pangarap na isa  dito ay  maiahon ang pamilya sa kahirapan.

Paliwanag ng alkalde, ito ang kanyang dahilan kung bakit  ipinatupad niya ang libreng eduaksyon at nagtayo ng unibersidad para sa mahihirap na pa­milya.

Ang City Colllege of Manila, ay itinayo ni  Lim sa kauna-unahan niyang pa­giging alkalde kung saan ito lamang ang unibersidad na may ‘zero tuition fee’ education.

vuukle comment

ANG CITY COLLLEGE OF MANILA

AYON

EDUARDO NORIEGA

INATASAN

KRISTEL

KRISTEL TEJADA

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA NORTH CEME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with