^

Metro

Pangarap na maging doktor, hindi na matutupad- Mrs. Tejada

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinunyag ni  Ginang Blessie Tejada na pangarap ng kanyang anak na si Kristel na maging isang doctor at maiahon ang kanyang  pamilya sa hirap.

Ayon kay Blessie, bilang  isang  consistent honor student, pursigido ang kanyang anak na makatapos ng pag-aaral sa kabila ng kanilang kahirapan. Isang taxi driver ang ama ni Kristel.

Idinagdag pa nito na isang Behavioral Science student sa UP, masakit sa isang magulang na mawalan ng anak  na puno ng mga  pangarap  dahil lamang  hindi pagsunod sa ipinatutupad na polisiya.

Kasabay nito, umapela kay Pangulong Noynoy Aqunio at Manila Mayor Alfredo Lim  si Blessie na tignan ang ipinatutupad na patakaran sa UP-Manila lalo na sa aspeto ng matrikula.

Bumuhos na din simula pa kagabi ang  mga taong nakiramay sa burol ng kanyang anak.

“Ano ho bang tawag dun sa bata na hindi tinanggap sa klase kasi walang pambayad? Hindi po ba, gustong pumasok ng anak ko pero nagre-require silang magbayad kami, wala pa kaming naiipon. Hindi nila isinama yung pangalan ng anak ko sa masterlist,” giit ni Tejada.

Aminado naman ang pamilya na nagbigay sila ng promissory note para bayaran ang loan ni Kristel ngunit natuliro aniya sila sa paghahanap ng pera at nabigo itong malikom sa pinag-usapang oras. Higit P10,000 ang binubuong halaga ng  pamilya.

AMINADO

ANAK

ANO

BEHAVIORAL SCIENCE

BLESSIE

GINANG BLESSIE TEJADA

KRISTEL

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

PANGULONG NOYNOY AQUNIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with