^

Metro

UP administration, sinisi sa pagpapakamatay ng UP student

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala umanong dapat sisihin kundi ang pamunuan ng UP Manila hinggil sa ginawang pagpapakamatay ng isang mag-aaral dito dahil walang perang pambayad sa tuition para makapag final exams.

Ito ang isinisigaw kahapon ng mga mag -aaral na sumugod kahapon sa  tanggapan ng Commission on Higher Education (CHED) sa QC.

 Ayon kay Cleve Arguelles, student-leader ng UP Manila­ na sumugod sa CHED, mismong ang mga magulang ng nagpatiwakal na si Kristel Tejada ang nagkumpirmang masyado itong nalungkot  nang mapuwersa itong mag-leave of absence dahil hindi siya nakapagbayad ng tuition fee para sa kasalukuyang semester.

 Sinabi ni Arguelles na hanggang noong nagdaang Miyerkules Marso 13  lamang ang itinakdang deadline ng UP Manila para makapag-bayad ng tuition fee ang mga estud­yante at batay sa pinaiiral na “no late payment policy”  mababalewala na ang kanilang buong semester dahil matatanggal sila sa listahan ng mga enrollees.

 Ilang beses na umanong lumuhod ang magulang ni Tejada   sa pamunuan ng UP Manila na mapagbigyan sila na makapag exam ang kanilang anak pero hindi sila pinagbigyan.

Sinasabing mula noong Miyerkules ay umiiyak palagi ang naturang mag-aaral.Nakiusap na din ito sa kanyang professor na matulungan pero hindi rin ito pinagbigyan.

Kahapon sa  isinagawang rally ng mga estudyante sa harap ng CHED, mariin nilang kinondena ang naturang patakaran ng mga unibersidad, maging ang “no permit no exam policy” kasama na ang nakaamba na namang pagtataas ng tuition sa maraming unibersidad sa bansa.

ARGUELLES

AYON

CLEVE ARGUELLES

HIGHER EDUCATION

ILANG

KRISTEL TEJADA

MIYERKULES MARSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with