QC niragasa ng ipo-ipo: 5 bata sugatan
MANILA, Philippines - Limang bata ang sugatan makaraang bagsakan ng salamin ng isang fastfood chain matapos rumagasa ang isang ipo-ipo kasabay ng pagbuhos ng ulan sa lungsod Quezon kahapon ng hapon.
Ayon sa inisyal na ulat, ang mga bata ay agad na isinugod sa malapit na ospital dulot ng mga sugat mula sa bubog ng salamin na tumama sa kanilang katawan. Nangyari ang insidente sa may isang sikat na fastfood na matatagpuan sa Roosevelt, panulukan ng Del Monte ganap na alas- 4:40 ng hapon.
Diumano nasa loob ng nasabing fast food ang mga biktima at naglalaro, nang biglang mabasag ang salamin nito at bagsakan ang mga una.
Nang nasabing oras ay tiyempong bumuhos ang malakas na ulan, at biglang umihip umano ang malakas na hangin hanggang sa magkaroon ng ipo-ipo at tumama sa fastfood saka nabasag ang salamin nito.
Dahil dito, tinamaan ang mga biktimang naglalaro sa loob ng fastfood at dahil duguan ay agad na itinakbo ng mga crew ng fastfood sa Saint Agnes General Hospital para malapatan ng lunas.
Dagdag pa sa ulat, dahil sa mga tinamong sugat ng mga bata, itinakda ang paglilipat sa mga ito sa Capitol Medical Center.
Samantala, ayon sa ulat ng Pagasa, umulan umano ng yelo sa ilang bahagi ng Quezon City, kasabay ng pagbuhos ng ulan.
Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ang tropa ng Police Station 2 ng Quezon City sa nasabing inÂsidente.
- Latest