20 Chinese at Taiwanese sangkot sa cyber fraud, huli ng NBI
MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang safehouse kung saan nadakip ang may 20 dayuhan na sangkot sa telephone fraud sa kanilang mga kababayan sa magkahiwalay na lugar sa Quezon City.
Sinabi ni NBI-National Capital Region (NBI-NCR) Chief Efren Meneses na ang mga inaÂresto ay 13 Taiwanese at 2 Chinese national sa isinagawang pagsalakay sa 15 P. Quimbao St., Tierra Bella Subd., Brgy. Tandang Sora, Quezon City habang 5 pang Taiwanese naÂtional ang dinakip sa pagsaÂlakay 48, K9 Street, Brgy. West Kamias sa Quezon City.
Nabatid na mismong ang Taipei EconoÂmic and Cultural Office (TECO) dito sa Pilipinas sa pamaÂmagitan ng kanilang kinaÂtawan na si Chih-Yung Wang ang nakipag-ugnayan sa NBI hinggil sa iligal na gawain at modus operandi ng mga nabanggit na daÂyuhan.
Tinatawagan ang kanilang kababayan sa China at magpapanggap na awtoridad at sasabihin na may problema ang kanilang kamag-anak at magbibigay ng telephone number na kanilang tatawagan para ayusin ang nabanggit na problema hanggang sa makumbinsi na magbigay ng malaking halaga para sa areglo.
Sa ibinigay na impormasyon ng TECO, nalaman ng NBI na ang origin ng tawag ay sa National Capital Region dahilan upang magsagawa ng surveillance sa dalawang address sa Quezon City at nagpositibo.
Sa pamamagitan ng inapply na search warrant kay Judge Zaldy Docena ng Malabon Regional Trial Court (RTC) Branch 170 nitong Marso 12 ay sinalakay ang dalawang bahay at naaresto ang mga suspect na sinampahan ng mga kasong paglabag sa R.A. 8484 Sec. 9 par (j) o kilala sa “The Access Devices Regulations Act of 1998â€.
- Latest