^

Metro

Mister hinostage ang sariling pamilya

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinostage ng isang naburyong na mister ang kanyang sariling pamilya at pinagsasaksak nito ang tiyahin ng kanyang live-in partner na naganap sa Marikina City, kamakalawa ng gabi.

Nasa kritikal na kondisyon ngayon sa Amang Rodriguez Hospital ang biktimang si Gina Viluan, 42, bunsod ng 15 tama ng saksak na tinamo sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang suspek na si Narel Buena, 25, na nakatira sa J.P Rizal St., Brgy. Calumpang, sa lungsod matapos ang mahigit sa isang oras na hostage-drama.

Sa ulat ng Marikina police, nabatid na ang insidente ay naganap dakong alas-8:15 ng gabi sa loob ng tahanan ng pamilyang Buena.

Ayon sa report, inawat umano ng biktima ang suspek dahil inaaway nito ang kanyang pamang­kin na live-in partner ni Narel kaya siya ang napag-initang saksakin.

Sa kabila ng mga sugat na tinamo ng biktima ay nakatakbo pa ito at nakahingi ng tulong sa mga barangay official at sa pagresponde ng mga awtoridad ay doon hinostage ng suspect ang kanyang live-in partner, pitong-buwang gulang na anak at ang anak ni Gina na 7-anyos.

Matapos ang mahigit sa isang oras na nego­sasyon ay napasuko rin ng pulisya ang suspek at nagsabing nagdilim lamang ang kanyang pa­ningin kaya nito nagawang i-hostage ang kanyang sa­riling pamilya. Nahaharap ngayon sa patung-patong na kaso ang suspek habang nakakulong sa Marikina Police­ detention cell.

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ HOSPITAL

AYON

BRGY

GINA VILUAN

KANYANG

MARIKINA CITY

MARIKINA POLICE

NAREL BUENA

P RIZAL ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with