^

Metro

Humoldap, bumaril sa isang ginang tukoy na

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kilala na ng mga pulis ang isa sa tatlong suspect na humoldap at bumaril sa isang  ginang  na naganap noong Sabado ng hapon  sa Valenzuela City.

Sa pamamagitan ng composite illustrations na ipinakita sa mga nakasaksi nakilala ang isa sa tatlong suspect  na si Daniel Galvez alyas “Daniel Demonyo”, ng San Vicente St., Brgy. General T. de Leon ng naturang lungsod.

Matatandaan na noong Sabado ng hapon ay hinoldap at binaril ang  biktimang si Norma Palomares, 38,  ng Coloong 1 M.H. Del Pilar St., Brgy., Malanday ng naturang siyudad matapos itong pumalag sa mga suspect.

Nakipag-agawan ang biktima sa dalang bag na may laman­ na P550,000 kay Galvez na naging dahilan upang barilin ng huli bago tumakas kasama ang dalawang hindi pa kilalang lalaki sakay ng motorsiklong hindi na nakuha ang plaka.

Dinala naman ang biktima sa Meycauayan Doctors Hospital upang magamot sanhi ng tama ng bala sa kaliwang bahagi ng dibdib.

Base sa rekord ng pulisya, nabatid  na sangkot din si Galvez sa pagpatay sa isang Joselito Lopez noong Nob­yembre 5, 2012 kung saan nakalaya ito matapos magpiyansa at muli na namang  nambibiktima sa ilang lugar ng CAMANAVA, na kabilang dito ang biktimang si Palomares.

 

vuukle comment

BRGY

DANIEL DEMONYO

DANIEL GALVEZ

DEL PILAR ST.

GALVEZ

GENERAL T

JOSELITO LOPEZ

MEYCAUAYAN DOCTORS HOSPITAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with