^

Metro

Pailaw sa Maynila kontra krimen – Lim

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naniniwala si Manila Mayor Alfredo S. Lim na malaki ang naitutulong ng  maliwanag na paligid upang maiwasan ang anumang krimen sa lungsod.

Ito’y kasabay ng pagpapasinaya ng street lights sa A. Mabini St. sa Malate, Maynila kahapon ng umaga.

Ayon kay Lim, nagiging pugad ng mga kriminal ang mga madidilim na lugar kung saan naranasan niya ito noong siya ay isa pang pulis.

Tiniyak din ng alkalde  na laging handa ang kapulisan upang labanan ang kriminalidad kung kaya’t dumalo rin sa inagurasyon sina Manila Police District Director Chief Supt. Alex Gutierrez at Station 5 Commander Col. Ferdinand Quirante.

Sinabi naman ni city electrician Engr. Ernesto Cuyugan na sa pagliwanag ng nasabing lugar, mababawasan na ang  krimen tulad ng snatching at hold-up.

Aniya, aabot sa 50 por­siyento ang matitipid sa ginamit­ na LED lights.

ALEX GUTIERREZ

ANIYA

AYON

COMMANDER COL

ERNESTO CUYUGAN

FERDINAND QUIRANTE

MABINI ST.

MANILA MAYOR ALFREDO S

MANILA POLICE DISTRICT DIRECTOR CHIEF SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with