8 sugatan sa karambola ng 3 sasakyan
MANILA, Philippines - Walo katao kabilang ang dalawang pulis ang sugatan, makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan, kasama ang mobile car ng mga huli sa lungsod Quezon kahapon ng maÂdaling-araw.
Sa ulat ng Quezon City Police Traffic Sector 4, sina PO1 Efren Lagsa, PO2 Arnold Lising, Aurora Co, Michelle Co, Jelaiza Co, Mayeth de Guzman, Chino Ferrer, at Audris Ferrer ay pawang nagtamo ng slight injuries sa kanilang mga katawan.
Ayon kay PO2 Michael Rito, may-hawak ng kaso, ang nagbanggaang saÂsakyan ay kinabibilangan ng Police Patrol car (SHB-524) na sakay ang dalawang pulis; isang Mitsubishi Pajero (NCO-19), kung saan sakay ang mga Co at si De Guzman habang sina Ferrer naman ay lulan ng Toyota Altis ( ZFE-423).
Nangyari ang insidente sa may kanto ng Sct. YbarÂdolaza at Sct. Rallos, Bgy. South Triangle, ganap na ala-1:45 ng madaling-araw.
Lumilitaw na ang Pajero na minamaneho ng isang Julius de Leon Co, 38, na tinatahak ang Sct. YbarÂdolaza mula sa Kamuning Road, patungong Timog Avenue, habang ang patroÂl car ay minamaneho ni PO1 Levi de Vera naman na nagsasagawa umano ng pagtugis sa riding-in-tandem suspect sa Sct. Rallos nang pagsapit sa intersection ay mabundol ng huli ang una.
Dahil sa impact, kapwa nawalan ng kontrol sa kanilang sasakyan ang dalawa, hanggang sa mabundol naman ng Pajero ang sasakyang Toyota Altis na minamaneho ni Antonio Carlos Tuanio na tinatahak din ang Sct Ybardolaza, galing ng Timog Avenue.
Ang Pajero ay sumampa sa hood ng Toyota Altis habang ang huli at patrol car naman ay sumadsad sa may bangketa.
- Latest