Briton huli sa pang-aabuso sa live-in partner na Pinay
MANILA, Philippines - Isang British national ang inaresto ng awtoridad makaraang ireklamo ng kanyang Pinay na girlfriend ng verbal at emotional abuse sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.
Si David Huw Evans, 61, dating physics professor, at residente ng Wales sa United Kingdom, ay inaresto ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) Talipapa Station matapos na ireklamo ng kanyang tatlong-buwan pa lamang na live-in partner na si “Ricaâ€. Aniya, maliban sa pananakot ay pinalalayas, iniinsulto at pinapahiya siya sa publiko sa isang mall sa lungsod.
Sa ulat ng Talipapa police station nangyari ang insidente kamakalawa, dakong alas-11 ng umaga sa loob ng kanilang tinuÂtuluyan sa South Green Park Village, Brgy. Bahay Toro.
Nabatid na nagtalo umano ang dalawa matapos na tumanggi si Evans na isama ang live-in partner sa mall. Nang magpumilit ang babae na sumama, sinigawan umano ng Briton ang babae ng “You’re crazy. You’re insane,†habang nasa loob sila ng isang fastfood restaurant sa isang mall.
Bukod sa pagsasabing siya ay baliw, walang tigil din umano ang pagmumura ng Briton.
Dagdag pa ng complainant, mahinahon umano niyang sinabihan ang dayuhan na mag-usap sila sa bahay, pero muli siyang ininsulto nito.
Para makaiwas sa kahihiyan, nagpasya ang babae na umalis at nagdesisyon na lang na hintayin ang dayuhan sa kanilang unit. Pero nang dumating si Evans ganap na alas-6 ng gabi, muli na naman siyang pinagsisigawan at tinakot na papahatak sa security guard ng condo palabas ng lugar.
Nang tangkain umano ng babae na magpaliwanag, ayaw na umanong makiÂpag-usap ng Briton at pinaiiwan na nito sa guwardiya ang susi ng condo unit. Dito na nagpasya ang babae na magsampa ng reklamo laban sa Briton at ito ay inaresto.
Nagkakilala sa pamamagitan ng interÂnet noong October ng nakaraang taon hanggang sa magpahayag at mangako si Evans na pakasalan ang babae, kung saan dumating ito noong Enero sa bansa at kasalukuyang nagli-live-in.
- Latest