Turistang Pranses utas sa holdap
MANILA, Philippines - Sa kabila ng prograÂma umano para makahikayat sa mga dayuhang turista, isang turistang Pranses ang nasawi makaraang pagbabarilin ng isang holdaper na nagtangkang humablot sa dala nitong bag, kahapon ng umaga sa Pasay City.
Hindi na umabot pang buhay sa San Juan de Dios Hospital ang biktimang si Hofman Pierre Paul Franz, 68, tubong-Du Ulouse, France at pansamantalang nanunuluyan sa Ralph Mansion, sa Parañaque City. Nagtamo ito ng tatlong tama ng bala ng kalibre .45 baril sa katawan.
Nakatakas naman ang suspek na lulan ng isang motorsiklo na minamaneho ng naghihintay niyang kasamahan. Nagawang matangay din ng mga salarin ang bag ng biktima na naglaÂlaman ng pera at persoÂnal na gamit ng dayuhan.
Sa ulat ng Station Investigation and Detective Management Section (SIDMS) ng Pasay Police, naglalakad ang biktima kasama ang dalawa pang kababayan na sina Leclerc Julien Cuy HenryÂ, Dubois Leclerc at Pinay na si Joselyne Maria Theresa sa EDSA upang sumakay ng taxi patungo sa terminal ng Victory Liner nang harangin ng suspek na armado ng baril sa tapat ng Heritage Hotel dakong alas-8:30 ng umaga.
Puwersahang hinabÂlot ng suspect ang bag ng biktima subalit pumalag umano ang dayuhan kaya’t pinagbabaril siya ng suspect. Wala namang agad na nakasaklolo sa mga biktima kahit na abala ang naturang bahagi ng EDSA at napakaraming nakakalat na traffic enforcers habang may tourist police rin na nakatalaga sa tapat ng naturang hotel.
- Latest