^

Metro

4 na miyembro ng ‘Bolt cutter’, tiklo

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Timbog ang apat na miyembro ng ‘Bolt cutter­ gang’ matapos na mahuli sa akto habang pinagnanakawan ang isang shop sa lungsod Quezon, kahapon ng madaling-araw.

Sa pag-aakalang makakalusot, nagtakip pa ng short pants ang apat na magnanakaw upang hindi makilala ang mukha sa closed circuit television camera­ (CCTV) pero nakabantay pala sa monitor ang may-ari kung kaya agad naitawag ito sa pulisya at sila ay nadakip.

Kinilala ni  QCPD director Sr. Supt. Richard Albano ang mga suspect na sina Ramil Atencio, 37; Danilo Laxaman, 63; Roberto Tolentino Sr., 49; at Emmanuel Reyes, 41.

Narekober sa mga suspect ang anim na plastic bags, isang plais, tatlong lighters na may maliit na flashlight, isang screw driver, isang steel saw, isang chisel, isang pang-taas na camouflage, at dalawang cell phones.

Ang mga suspect ay nadakip ganap na alas-3:30 ng madaling-araw nang pasukin ang Hard Off Trading and Tire Sales Incorporated sa may Quirino Highway, Brgy. Bagbag, Novaliches.

Nabatid na may  CCTV camera na nakakabit sa establisyemento para i-monitor at i-record ang anumang posibleng pagnanakaw.

Pero nang pasukin ng mga suspect ang shop, tinangka pa ng mga itong takpan ng short pants ang kanilang mga mukha dahil sa CCTV camera, para hindi ma­kilala. Pero, ang may-ari ng shop na si Caroline Cabales, 31, ay nasa monitor pala ng CCTV camera at tinitingnan ang nasa loob.

Nang biglang mag­laho ang kuha ng CCTV ay saka ito nagduda ang may-ari at agad na hu­mingi ng ayuda sa pulisya kung saan naaresto ang mga suspect.

 

vuukle comment

CAROLINE CABALES

DANILO LAXAMAN

EMMANUEL REYES

HARD OFF TRADING AND TIRE SALES INCORPORATED

PERO

QUIRINO HIGHWAY

RAMIL ATENCIO

RICHARD ALBANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with