Killer-holdaper ng cum laude ng PLM, tukoy na
MANILA, Philippines - Kilala na ang holÂdaper na pumatay sa isang cum laude ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) na namamasukan sa isang kilalang hotel, kamaÂkailan.
Sa isinagawang opeÂrasyon kamaÂkalawa ng haÂpon, sa halip na ang suspect na si Melvin Balajadia, 24, residente ng Tambunting St., Sta. Cruz, Maynila, ang ama nitong si Alvino Balajadia, 52, ang binitbit ng mga pulis matapos na maberipika na may nakabinbing warrant of arrest laban dito.
Si Melvin umano ang inginungusong pumatay sa biktimang si Christine Dawn Concepcion, 20, empleyado ng Intercontinental Hotel (Dusit Hotel) at residente ng 2nd Ave., Caloocan City. Si Christine ay binaril at naÂpatay matapos manlaban sa holdaper sa loob ng isang pampasaherong jeep noong madaling araw ng Miyerkules.
Si Alvino naman ay inaresto dakong alas- 4:00 kamakalawa ng hapon sa loob ng kanilang bahay dahil sa nakabinbin nitong kaso ng paglabag sa Sec. 2 RA 7832 (Anti Pilferage) noon pang 2009 sa Manila RTC Branch 17.
Ayon kay PO3 Rodel Benitez, ng Manila Police District-Homicide Section, pakay ng opeÂrasyon ng pinagsanib na puwersa ng HomiÂcide at MPD-station 7 si Melvin, na batay sa mga saksi, ay siyang humoldap at bumaril sa biktima, nang matunghayan ang kaniyang larawan sa Facebook account at natunton ang address.
Sa beripikasyon, si Melvin ay may nakabinbing kaso ng panghoholdap noong 2011.
Matatandaan na sumakay si Christine at isang Mary Jane Indions, 30 ng Valenzuela City sa R. Papa St., sa minamanehong jeepney (PUZ 579) ni Domingo Yuson, 50 at pagsapit sa Jose Abad Santos at Rizal Ave. Sta Cruz, Maynila ay nagdeklara ng holdap ang dalawang lalaki kabilang si Melvin. Nang tumangging ibigay ni Concepcion ang bag ay walang sabi-sabing binaril ito sa ulo.
- Latest