^

Metro

2 bagitong parak kalaboso sa hulidap

Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hawak na ng awtoridad ang dalawang miyembro ng Quezon City Police na inireklamo ng ‘hulidap’ ng isang lalaking inaresto nila sa umano’y ilegal na droga at hinihingan ng halagang P15,000 kapalit ng kanyang kalayaan.

Sina PO1s George Verbo Jr. at Thomas Jansen Tulio ay naka­detine ngayon sa QCPD sa Camp Ka­ringal ha­bang ang isa pang ka­samahan nila na si PO1 Benjie Tan, ay patuloy na naka­kalaya.

Sina Verbo, 37 at Tulio, 31, ay itinurn-over ng kanilang commander na si Supt. Virgilio Fabian ng Fairview Police Station sa Criminal Investigation and Detection Unit kasunod ng bintang na extortion laban sa kanila.

Iniutos din kahapon ni NCRPO chief Di­rector­ Leonardo Espina ang pagsuspinde sa dalawang bagitong pulis­ na kanilang bi­niktima na call center agents.

Bukod sa dalawang pulis, nauna nang na­dakip ng CIDU ang da­lawa umanong drug in­formants na siyang umano’y nagnguso at nagturo sa biktimang mga call center agent, bilang drug pusher.

Ganap na alas-7:30 ng gabi nang madakip ng tropa ni Insp. Elme­r Monsalve ng CIDU ang mga suspect na sina Jerry Sora, 43, ng  Brgy. Commonwealth at Domingo­ Mendaro, 42, ng Brgy. Fairview.

Sabi ni Monsalve, positibong kinilala ng mga biktima ang mga suspect na kabilang sa limang kalalakihang na­ngongotong sa biktima.

Nag-ugat ang in­sidente nang arestuhin ng mga nabanggit na mga suspect ang mga biktima dahil sa umano’y iligal na droga.

Sa kabila nito, wala namang nakuhang droga sa biktima nang araw na arestuhin nila ito.

Unang humingi ng P20,000 ang mga suspect sa biktima, pero tanging halagang P15,000 ang naibigay kapalit ng kalayaan ng lalaki.

Matapos maka­pagbigay ay napalaya ang biktima na agad namang nagsumbong sa pulisya at kinilala ang mga ‘humulidap’ sa kanya.

BENJIE TAN

BRGY

CAMP KA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

FAIRVIEW POLICE STATION

GEORGE VERBO JR.

JERRY SORA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with