^

Metro

Parent-teacher-student fun day, inorganisa sa Navotas

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Muling inorganisa ng Navotas City Government’s Project Management Team (PMT) sa pangunguna ni Mayor­ John Rey Tiangco ‘parent-teacher-student fun day’ na tinawag nilang “Funtastic Day”, sa may 15 public elementary schools at 6 public secondary schools sa lungsod.  

“The primary goal of this project is to encourage parents to actively participate in school programs,” pahayag pa ni Mayor Tiangco.

Binanggit pa nito ang kahalagahan na mismong ang mga magulang ay nakikilahok sa mga aktibidades ng kanilang mga anak sa paaralan para na rin mapaunlad ang maayos na relasyon sa bawat isa gayundin magkaroon ng bukas na komuniskasyon sa guro ng kanilang mga anak na siyang nagsisilbing pangalawang magulang ng mga ito.

Si Tiangco na buo ang suporta sa education sector sa lungsod ay nagkakaloob din ng iba’t ibang scholarship programs para sa  high school at college students at maging sa mga karapat-dapat na guro na nagnanais na kumuha ng kanilang master’s degrees.

Ang kasalukuyang fund-raising activity ni  Tiangco na  “Takbo ni Juan para sa Iskolar ng Bayan” ay nakatulong sa pagkakaroon ng karagdagang 80 slots  o mahigit sa 50 porsiyento sa nagdaang taong bilang ng mga benepisyaryo ng scholarship program.

Binigyang diin din ng mayor­ ang importansya ng values-training formation at pagpapaunlad ng principals management skills para mapayabong ang kalidad ng edukasyon.

BAYAN

BINANGGIT

FUNTASTIC DAY

JOHN REY TIANGCO

MAYOR TIANGCO

NAVOTAS CITY GOVERNMENT

PROJECT MANAGEMENT TEAM

SI TIANGCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with