Bebot utas sa holdap
MANILA, Philippines - Patay ang isang hindi pa kilalang babae na pasahero ng dyip nang pumalag sa nag-iisang holdaper na armado ng kalibre .45 baril sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng maÂdaling-araw.
Hindi na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang biktimang inilarawan sa edad na 20-22-anyos, may taas na 5’2’’, maputi ang balat at mahabang kulay blonde ang buhok dahil sa tinamong tama ng bala ng baril sa ulo.
Tinutugis naman ang holÂdaper na inilarawan sa edad na 30-35, may taas na 5’8’’, kaÂtamÂtaman ang katawan at moreno at armado ng kalibre 45.
Sa report ni SPO1 Jose Gumilan ng Manila Police District-Homicide Section dakong alas- 4:05 ng madaling araw nang maganap ang insiÂdente sa loob ng isang pampasadang dyip (PUZ 579) na minamaneho ni Domingo Yuson, 50, habang binabagtas ang panulukan ng Jose Abad Santos at Rizal Avenue, Sta Cruz, Maynila.
Nauna rito, sumakay ang biktima at isang Mary Jane Indions, 30, ng Valenzuela City sa R. Papa St., sa mimananehong jeepney ni Yuson sa direkÂsiyon patungong South bound.
Pagsapit sa nasabing lugar, pumara ang suspect at nagkunwaring pasahero suÂbalit hindi pa man nagtatagal ay naglabas ng kalibre 45 at nagdeklara ng holdap at puwerÂsahang kinuha ang cash at pera ng ilang pasahero.
Pumalag ang biktima at tumangging ibigay ang hinihingi ng holdaper kaya agad itong pinaputukan sa ulo.
Dahil sa putok, napatigil sa pagmamaneho ang driver kaya nagpulasan ang ilang pasahero at sinamantala rin ng suspek ang pagtakas.
Isinugod sa ospital ang biktima subalit idineklarang dead on arrival. Nakuha naman sa biktimang si Indions ang P30,000 cash at cell phone at tablet na Samsung.
- Latest