Universidad de Manila ginulantang ng bomb threat
MANILA, Philippines - Ginulantang ng bomb threat ang Universidad de Manila kahapon ng umaga na nagresulta sa pagkakaroon ng tensiyon sa mga mag-aaral at faculty nito.
Dahil dito, sinuspinde pansamantala ang klase upang mabigyan-daan ang isinagawang inspeksyon ng mga awtoridad.
Lumilitaw na dakong alas-10:30 ng umaga nang matanggap ng twitter account ng naturang unibersidad ang bomb threat. Bunsod nito ay agad na pinatigil ng pamunuan ng CCM ang kanilang klase para makatiyak na sila ay ligtas.
Nagresponde rin kaagad ang mga miyembro ng Manila Police District Bomb Squad at ginagalugad ang gusali at buong paligid subalit wala namang nakitang anumang uri ng bomba o sangkap ng pampasabog. Matapos ito ay agad ring nagpatuloy ang klase at operasÂyon ng opisina ng nabanggit na paaralan.
- Latest