Drug Free Marikina target
MANILA, Philippines - Target ni dating Marikina Vice Mayor Dr. Marion Andres na maging drug free ang lungsod kasabay ng paglulunsad ng iba’t ibang proyekto at programa para rito.
Sa kanyang panunungkulan bilang vice chairman ng Peace and order Council, nabawasan ng 60 porsiyento ang mga taong gumagamit ng illegal na droga. Naging daan ito para bansagang “Drug Buster†ang Marikina.
Bunsod nito kaya layon ni Andres na maipagpatuloy ang pagbibigay ng maayos na kinabukasan ang mga kabataan kung saan matututukan ang kanilang pag-aaral at hindi ang anumang bisyo tulad ng pagdodroga sa kabila ng kahirapan sa buhay.
Paliwanag ni Andres, nasa dugo ang kanyang paglilingkod sa Marikina dahil naging bise alkalde rin ang kanyang ama noong taong 1959 hanggang 1967.
Indikasyon din na kuntento ang mga taga Marikina sa proÂyekto at programa ng kanyang tanggapan ang kanyang tatlong termino bilang vice maÂyor at presiding officer ng Sangguniang Panlungsod.
Ilan sa mga parangal na tiÂnanggap ni Andres ang “One of the Outstanding Cities Working Seriously in Attaining a Drug-Free Philippines by 2010†na iginawad ng Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force (AIDSOTF) ng Napolcom.
- Latest