Nightclubs, bar tutukan ng anti-AIDS campaign
MANILA, Philippines - Tututukan ng anti-AIDS campaign ng Pasay City ang mga bar at nightclubs laban sa nakakahawang sakit na AIDS (Acquired Immune Deficiency Syndrome) at iba pang “sexually transmitted disease (STD)†kung saan ipakakalat ang mga information materials para sa mga entertainment workers at mga kliyente.
Ayon kay Mayor Antonino Calixto, nilalaman ng mga information materials ang “diagnosis†o pagtukoy sa sakit at treatment prevention.
Ibinase ang kampanya sa inaprubahang Implementing Rules and Guidelines ng City Ordinance no. 2341 o ang Pasay City Aids Prevention and Control Ordinance.
Kasabay nito, inatasan din ni Calixto si City Health Office head Dr. Cesar Encinares na mag-ikot sa lahat ng bars, clubs at maging mga lodging houses at matiyak na nakakabit ang information materials sa loob ng mga establisimiyento.
Kailangang nakadikit ang mga materyales sa mga dressing rooms, comfort rooms, at iba pang parte ng establisimiyento upang maÂbigyan ng impormasyon ang mga entertainment workers at mga kliyente sa panganib na dulot ng STDs.
Naglalaman ang information materials ng mga detalye ukol sa kung paano mahahawa ng mga sakit, prebensyon, mga sanhi, at mga idudulot nito, karaniwang mga sakit na mabilis maihawa, mga maling paniniwala, legal rights ng mga entertainment workers, at mga tulong na maibibigay ng gobyerno. Sa ilalim ito ng Republic Act No. 8504 o ang Philippines AIDS and Control Act of 1998.
- Latest