^

Metro

2 katao binaril, pinatay sa QC

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawang lalaki ang  patay matapos na pagbabarilin  sa magkahiwalay na insidente sa Quezon City.

Dead on arrival sa Malvar General Hospital si  Raymundo Vivo, 22, motorcycle rider ng isang fast food at residente ng Sampaguita St., Brgy. Holy Spirit matapos na magtamo ng  tama ng  bala ng baril sa  leeg samantalang pinaghahanap naman ang  suspect na kabilang sa mga grupo ng mga drug addict sa Brgy. Riverside.

Sa ulat ng pulisya, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng Riverside St., Brgy. Commonwealth, ganap na alas 12 ng hatinggabi nang awatin ng biktima ang suspect mula sa pananakit nito sa  kanyang  pamangkin.

Bago ang insidente, hinuhugasan ng biktima ang kanyang service motorcycle kasama si Deloy Baradero ng makita nilang hinahabol ng suspect ang 12 anyos nilang pinsan na si Dave Catamin.

Dahil dito, nilapitan ng biktima ang suspect kasama ang grupo nito, hanggang sa ilang minuto, ayon kay Baradero ay nakarinig na lang siya ng putok ng baril at makita ang biktima na duguang tumatakbo patungo sa kanya.

Agad na humingi ng tulong si Baradero sa ka­nilang kapitbahay at itinakbo ang biktima sa nasabing ospital.

Samantala, dead on the spot naman ang isang 16 anyos na binatilyo nang barilin sa ulo ng isa sa tatlong armadong lalake sakay ng tricycle sa lungsod Quezon kamakalawa ng gabi.

Isang tama ng bala sa ulo ang agad na ikinamatay ni Christian Bonsobre ng Area 4-C, Nawasa Line, St. Anthony St., Brgy. Holy Spirit, QC.

Blangko naman ang awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga suspect dahil ma­ging ang sinakyan ng mga ito na tricycle ay walang plaka.

Ayon kay PO3 Erickson Isidro, may-hawak ng kaso, nangyari ang insidente sa harap ng isang bahay sa #26 St. Anthony St., Brgy. Holy Spirit, ganap na alas 10:45 ng gabi.

Sinabi ng testigong si Miguel Brazil, nakita umano niya ang biktima na bumibili sa isang sari-sari store, nang biglang sumulpot ang isang tricycle na walang plaka at walang body number sa lugar.

Ilang sandali, biglang bumaba ang tatlong sakay ng tricycle na armado ng baril, saka binaril ng isa ang biktima sa ulo na agad na bumuwal sa lugar.

Matapos nito ay mabilis ding sumibat papalayo ang mga suspect sakay ng nasabing sasakyan.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Operations (SOCO)  narekober sa lugar ang isang pinaputok na bala ng kalibre .45 baril dalawang basyo ng kalibre .45 at isang plastic sachet na naglalaman ng shabu.

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad sa nasabing insidente.

BARADERO

BIKTIMA

BRGY

CHRISTIAN BONSOBRE

DAVE CATAMIN

HOLY SPIRIT

ISANG

ST. ANTHONY ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with