^

Metro

Binata timbog sa pagsusuot ng PNP uniform

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kulungan ang binagsakan ng isang binata makaraang arestuhin ng awtoridad dahil sa pagsusuot ng uniporme ng pulis habang nasa loob ng Hall of Justice sa lungsod Quezon kahapon.

Kinilala ang dinakip na si Daniel Caballero, 34, ng Block-17, Lot 61, Narra Ave­nue, Palmera, Antipolo City.

Si Caballero ay inaresto ni SPO1 Conrad Lim ng PS10 nang mapuna niya itong naka­suot ng PNP-GOA uniform na may dalawang insignias ganap na alas-9:15 ng umaga.

Ayon sa ulat, dumadalo si Lim sa court hearing sa na­sabing lugar nang mapuna niya ang suspect na nakasuot ng nasabing uniporme habang naka-istambay sa lugar.

Dahil dito, kinompronta ni Lim ang suspect at inirepresenta umano nito ang sarili bilang miyembro ng PNP, pero walang maipakitang dokumento.

Upang makasiguro, inimbitahan ni Lim ang suspect sa PS10 para sa tamang do­kumentasyon, hanggang sa marekober sa huli ang da­lawang piraso ng driver’s lisence na may magkaibang pangalan at Internal Affair Service ng Manila Police District (IAS-MPD) na nakapirma si Police Supt. Angel L. Cariaga­ na may ranggong Police Inspector.

Ayon sa pulisya, natukla­san nilang si Caballero ay nakalinya na rin para maging miyembro ng PNP, at naghihintay na lamang ng resulta ng kanyang aplikasyon.

Giit ng awtoridad, ma­aaring sabik na sabik nang maging pulis si Caballero kung kaya na­isipan na nitong magsuot ng uniporme ng PNP kahit hindi pa dapat at ipinagbabawal.

 

ANGEL L

ANTIPOLO CITY

AYON

CONRAD LIM

DANIEL CABALLERO

HALL OF JUSTICE

INTERNAL AFFAIR SERVICE

MANILA POLICE DISTRICT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with