^

Metro

’Di nagbigay ng pera, nanay ginulpi ng anak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang ina ang ginulpi ng kanyang sariling anak na lalaki matapos na hindi magbigay ng pera ang una sa huli, kama­kalawa ng gabi sa Caloocan City.

Bugbog sarado at nilalapatan ng lunas sa Tala Hospital sanhi ng mga sugat, pasa at bukol ang biktimang si Evangeline Arias, 44, ng Phase 1, Bagong Silang ng lungsod.

Nakakulong naman ang anak nitong si You Arias, nasa hustong gulang.

Sa ulat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa loob ng bahay ng mag-ina.

Humingi ng pera ang suspect sa ina at hindi naman ito binigyan ng biktima hanggang sa nagtalo ang dalawa.

Nagalit ang suspect hanggang sa bugbugin at hatawin ng matigas na bagay ang ulo ng ina.

Nagawang makahingi ng tulong ng biktima sa mga kapit­bahay kaya nadakip ang suspect ng rumespondeng mga pulis habang ang biktima naman ay isinugod sa naturang pagamutan

 

vuukle comment

BAGONG SILANG

BUGBOG

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

EVANGELINE ARIAS

HUMINGI

ISANG

TALA HOSPITAL

YOU ARIAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with