^

Metro

Ilang bahagi ng EDSA isasara

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinayuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na maghanap ng alternatibong ruta dahil isasara ang ilang bahagi ng EDSA Ave­nue bukas (Feb. 25) kaugnay ng pagdiriwang ng ika-27 anibersaryo ng People Power Revolution I.

Ayon kay MMDA Chairman Francis Tolentino, simula ngayong alas-2:00 ng mada­ling-araw ay isasara ang magkabilang lanes ng White Plains Drive para sa “Run for Juan”.

Alas-5:00 ng madaling- araw ang kahabaan ng EDSA north-bound bus lanes at ikat­long lane mula sa Julia Vargas hanggang Guadix Road tatlong lanes ng EDSA Ortigas flyover ay pansamantala rin isasara.

Isasara naman ang kabuuan ng EDSA north-bound lane mula sa Ortigas Avenue patungong Santolan simula alas-5:00 ng madaling-araw para sa anibersaryo ng People Power Revolution.

Pinayuhan din ng MMDA ang mga motorista na kumanan na lamang sa Julia Vargas patungo sa kanilang destinasyon o kaya ay dumaan sa EDSA flyover at kumaliwa sa Ortigas Greenhills, patungo sa kanilang pupuntahan.

Bukas Pebrero 25, bandang alas-12:01 ng hatinggabi isasara ang lanes 3 at 5 mula sa Corinthians hanggang Camp Aguinaldo gate 3 para sa platform construction at ma­ga­gamit ang isang lane ng White Plains Drive.

Payo ng MMDA sa mga motorista, kumanan sa Guadix Road patungo sa destinasyon sa EDSA flyover at kumaliwa sa Ortigas Greenhills.

 

BUKAS PEBRERO

CAMP AGUINALDO

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

GUADIX ROAD

JULIA VARGAS

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

ORTIGAS AVENUE

ORTIGAS GREENHILLS

PEOPLE POWER REVOLUTION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with