Maganto suportado ng 135 brgy. chairman
MANILA, Philippines - Sa kabuuang 184 barangay captains sa ika-limang distrito ng Maynila 135 dito ay pumirma sa isang manifesto bilang pagsuporta para kay Manila’s 5th District congressional candidate Faith Maganto. Ito ay dahil na rin ang mga programang ipinamalas nito na nakatulong ng malaki sa pamumuhay at kalagayan ng kanyang mga mga constitutents.
Kamakailan lamang umulan ng bulaklak, bigas at ibang gamit sa Dagonoy Market matapos na bisitahin ni Maganto ang lugar kung saan ipinamigay ito sa mga vendor na isinabay sa Araw ng mga Puso.
Pinangunahan ni Maganto ang pamamahagi ng 500 tig- dalawang kilong bigas, red roses, 500 t-shirts at apron para magamit ng mga nagtitinda
Kamakailan lang ay bumuhos ang suporta ng mayorya ng mga kapitan sa nasabing distrito sa idinaos na isang salu-salo sa Manila Hotel na pinamagatang ‘One United Team Maganto 2013’.
Dito nga nabatid na may 135 barangay chairman ng 5th District ng Maynila nagpahayag ng kanilang suprta.
Inilahad pa ng kandidato na panahon na ang pagbabago sa nasabing distrito dahil nangangailangan na ang nasabing distrito ng opisyal na may puso para sa mahihirap, may takot sa Diyos at may malasakit sa kanyang kapwa.
Sa kanyang kagustuhang makatulong at maiangat ang kasalukuyang hikahos na buhay ng ilang mga mamamayan ng ika-5 Distrito ng Maynila, inumpisahan na ni Maganto ang kanyang mga programa para sa kanyang masasakupan.
Bago pa man siya magsumite ng kanyang certificate of candidacy, sinimulan na ni Maganto ang pagbibigay ng medical assistance sa mga mahihirap niyang nasasakupan kung saan 5,000 katao ang nabiyayaan lalo na yaong na-confine sa mga ospital na hindi makabayad ng kanilang medical bills bukod pa sa pagbibigay ng kasiguraduhan sa kalusugan ng mga senior citizens at ilan pang mga kababayan matapos isagawa ang medical missions sa iba’t ibang barangay at nagbigay ng gamot at bakuna sa mga sanggol at ilan pang may mga sakit.
- Latest