^

Metro

Taxi driver hinoldap, dinedo ng 5 pasahero

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa ospital na binawian ng buhay ang isang taxi driver makaraang holdapin at saksakin sa dibdib ng kanyang limang pasahero sa lungsod Quezon, kamakalawa. Si Victor Rapis, 53, ng Tondo, Manila ay nasawi sanhi ng tinamong saksak sa dibdib. Wala namang nakasaksi sa nasabing insidente kung kaya blangko ang awtoridad sa pagkakakilanlan ng mga salarin.

Ayon sa pulisya, nalaman lamang nila kung ano ang nangyari sa biktima matapos na makapagsalita pa ito sa security guard ng ospital hinggil sa mga pangyayari, bago tuluyang bawian ng buhay. Nangyari ang insidente sa kahabaan ng Adama corner Jasmin St., Brgy. Holy Spirit, ganap na alas- 8:45 ng gabi.

Pinapasada umano ng biktima ang kanyang taxi (TWW-729) at tinatahak ang direksyon ng Sangandaan nang parahin siya ng mga suspect at nagpahatid sa direksyon ng Brgy. Holy Spirit. Pero kahit sugatan, nagawa ng biktima na imaneho ang kanyang taxi, pero nabundol naman nito ang isang tricycle na minamaneho ni Cezar Edolzora. Ang insidente ay agad na inireport sa barangay official sa lugar at nirespondehan ang biktima saka itinakbo sa FEU hospital.

Dito ay nagawa pang mailahad ng biktima sa security guard ang pangyayari, pero makalipas ang alas-11:06 ng gabi ay tuluyang idineklara din itong patay.

 

vuukle comment

ADAMA

AYON

BRGY

CEZAR EDOLZORA

DITO

HOLY SPIRIT

JASMIN ST.

NANGYARI

PERO

SI VICTOR RAPIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with