^

Metro

Motorsiklo vs taxi: 3 rider patay

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong lalaki na magka­kaangkas sa isang motorsiklo ang pawang nasawi makaraang mawalan ng kontrol at bumangga sa isang taxi habang bumabagtas sa C5 Road sa Pasig City kahapon ng madaling-araw.

Nakilala ang tatlong na­­­sawi na sina Rey Mark Pontay­, driver ng motor­siklo; Daryl­ Ramirez at Aldrin Visbal.­

Sa inisyal na ulat ng Pasig City Police-Traffic Management Unit, binabagtas ng mga biktima lulan ng isang Kawasaki motorcycle (6064-OC) ang C5 south-bound lane sa Brgy. Bagong Ilog, Pasig buhat sa Makati City dakong alas-12:10 ng mada­ling-araw nang mawalan ng kontrol pagsapit sa pakurbang bahagi ng kalsada bago umakyat ng flyover.

Nagpagewang-gewang umano ang motorsiklo hanggang sa rumampa ito sa center island at tumawid sa kabilang lane.  Dito sumalpok ang mga biktima sa parating na Toyota Vios (TXU-971) na taxi na minamaneho ni Michael Ugpay, 24, ng Camarin, Caloocan City.

Sa lakas ng pagkaka­bangga, tumilapon ang tatlong biktima sanhi ng agad na kamatayan ng dalawa sa mga ito habang ang isa ay nasawi habang isinusugod sa Rizal Medical Center.

Agad namang sumuko sa mga awtoridad si Ugpay na isinasailalim sa imbes­tigasyon at posibleng ma­sampahan ng kasong multiple homicide resulting to reckless imprudence.

Samantala, inaalam din ng mga imbestigador kung nakainom ng alak ang mga biktima at kung lahat ng mga ito ay may suot na helmet.

 

ALDRIN VISBAL

BAGONG ILOG

CALOOCAN CITY

MAKATI CITY

MICHAEL UGPAY

PASIG CITY

PASIG CITY POLICE-TRAFFIC MANAGEMENT UNIT

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with