Ginang pumalag sa holdap, utas sa tandem
MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang 52-anyos na biyuda nang barilin ng riding-in-tandem makaraang pumalag sa holdap sa Paco, Maynila, kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ang biktima na si Della Matammu Addun, residente ng Paz St., Paco, Maynila.
Bagamat may saksi sa ginawang pamamaril sa biktima, hindi naman naplakahan ang motorsiklo ng tumakas na mga suspect at armado ng .9mm na baril.
Sa ulat ni SPO1 Jose Gumilan ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:30 ng madaling-araw, nang maganap ang nasabing krimen sa panulukan ng Paz at Trese de Augusto St., sa Paco sakop ng Brgy. 679, Zone 75, District 5.
Ayon sa saksing si Liwayway Dondon, 47, vendor, nakita niya ang biktima na naglalakad nang lapitan at barilin sa mukha ng isa sa riding-in-tandem.
Wala nang nakitang pera sa katawan ng biktima maliban sa dala umanong bayong para sa pamamalengke ng paninda. Hinihinalang hinoldap ito at natangayan ng pera.
- Latest